MASUSING BANGHAY
ARALIN SA
ARALING
PANLIPUNAN 10
Mga
Kontemporaryong Isyu
I.                  
Layunin
Sa pagtatapos ng
60-minutong aralin nang may 80% katumpakan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.      
Natutukoy
kung ano ang mga diskriminasyong kinakaharap ng mga lalaki, babae at LGBT sa
kasalukuyan.
b.     
Nakikilahok
sa mga pangkatang gawaing may kinalaman sa mga kakayahan at gawaing para sa
lalaki, babae at LGBT.
c.      
Nakapagbibigay
ng mga ideya at pamamaraan upang masugpo at maiwasan ang diskriminasyon sa
kasarian.
d.     
Napahahalagahan
at nauunawaan ang pagkakapantay-pantay sa karapatan at kasarian tungo sa
pagkakaisa.
II.               
Paksang Aralin/Gawain
sa Pagkatuto
a.      
Pangkalahatang
Paksa: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Ispesipikong Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae
at LGBT
b.     
Sanggunian:    1. Araling Panlipunan 10 Learning Material
p. 284-293
2. Mga Kontemporaryong
Isyu ni Jens Micah de Guzman
    388 McArthur Highway, Dalandanan,
Valenzuela City
    JO-ES Publishing House Inc., 2017 (p.
191-192)
    https://en.wikipedia.org/wiki/Taliban
4. https://www.slideshare.net/diskriminasyon
Mga Kagamitan: kagamitang biswal, laptop, projector,
speakers, yeso.
III.            
Pamamaraan
Gawain ng Guro 
 | 
  
Gawain ng
  Mag-aaral 
 | 
 
A.
  Pang-araw-araw na Gawain 
a.
  Panalangin 
Magsitayo
  ang lahat para sa ating panalangin. 
(Tatawag
  ng mag-aaral upang pangunahan ang pagdarasal) 
b.
  Pagbati 
Maraming
  Salamat! Magandang araw sa inyong lahat! 
c.
  Pagtatala ng Liban 
Mayroon
  bang liban sa ating klase? 
Magaling
  kung gayon! 
d.
  Pagbabalik-Aral 
Bago
  natin simulan ang ating aralin ngayong araw, atin munang babalikan ang ating
  katatapos na aralin tungkol sa gender roles sa ibat-ibang panig ng mundo. 
Alin
  sa tingin ninyo ang dahilan kung bakit mahigpit para sa mga kababaihan at
  LGBT ang lipunan sa maraming lugar sa daigdig? 
Magaling!
  Anong katangian ng isang lipunan ang karaniwang nagdudulot ng ganitong
  kalagayan ng mga kababaihan at LGBT? 
Mahusay!
  Ano naman ang naging implikasyon ng FGM o Female Genital Mutilation sa mga
  kababaihan sa Africa? 
Tama!
  Sa tingin nyo ba, naging madali para sa kanila ang ganitong sitwasyon? 
Tama!
  Ano ang take home o natutunan mong aral mula sa nakaraang paksa? 
Magaling!
  Mukhang marami na kayong natutunan mula sa nakalipas na aralin. Mayroon pa ba
  kayong katanungan? 
Kung
  wala na ay sisimulan na natin ang ating bagong aralin. 
B.
  Pagganyak 
May ipaparinig akong awitin sa inyo na
  pinamagatang “Ituloy Mo Lang” ng Siakol. Inaasahang masasagot ninyo sa
  pagtatapos ng awitin ang katanungang: 
1. Ano ang mensaheng nais iparating ng
  awitin? 
2. Paano inilalarawan ang kalagayan ng
  LGBT sa napakinggang awitin? 
Handa na? 
Noong bata ka pa si Darna ang ginagaya 
Minsan nama’y nagbi-bistida Maging sa laruan, manika ang napag-tripan Ayaw mo ng baril-barilan ‘Di ka nila sinasali Hindi ka raw tunay na lalaki Gusto ng tatay mo na ika’y mag-sundalo Pero babae ang puso mo Kahit lunurin ka, wala ring napala sila Nung sabi mong ika’y sirena ‘Wag kang mag-alala Matatanggap ka rin nila [Chorus:] At kahit na ano pa ang gusto mo Basta wala ka bang tinatapakan na tao Ituloy mo lang ito Ang mahalaga ikaw ay masaya ‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba Sila ang may problema Walang pumapansin sa natatangi mong galing Mas madalas ka pang laitin Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo Ngunit walang rumirespeto Lagi na lang iisipin Sila na lang ang unawain [Chorus:] 
(Matapos mapakinggan ang awitin,
  tatawag ng mga mag-aaral upang magbigay ng kani-kanilang mga ideya) 
Ngayong napakinggan ninyo ang awitin,
  ano sa tingin ninyo ang mensaheng nais iparating ng awitin? 
Tama! Paano naman inilalarawan ang
  kalagayan ng LGBT sa awitin? 
Mahusay! Mula sa inyong napakinggan,
  may ideya naba kayo kung ano ang paksa ng ating aralin ngayong araw? 
Tama! Partikular na anong uri ng
  diskriminasyon? 
Magaling! Ang tatalakayin natin
  ngayong araw ay diskriminasyon sa mga hindi lamang sa LGBT, maging sa mga
  kababaihan at kalalakihan. 
C.
  Mga Gawain 
Para sa inyo ba, ano ang
  diskriminasyon? 
Tama! Nabanggit ng inyong mga
  kamag-aral na binabase sa katangian ng isang tao kung kaya’t nagkakaroon ng
  diskriminasyon. Diyan papasok ang mga salik na nagiging dahilan ng
  diskriminasyon.  
Ngayon, upang matalakay natin ang mga
  salik ng diskriminasyon, may ipapakita akong mga larawan sa inyo. Sila ang
  personalidad na naging matagumpay sa kani-kanilang mga napiling larangan sa
  kabila ng mga diskriminasyon sa kanilang kinaharap. 
Sino ang taong nakikita nyo at ano ang alam nyo tungkol sa kanya? 
Tama! Sa tingin ninyo, anong
  diskriminasyon ang kinaharap ni VP Jejomar Binay bago nya narating ang
  tagumpay? 
Magaling! Maari ba kayong magbigay ng
  iba pang halimbawa ng diskriminasyon sa pisikal na kaanyuan? 
Mahusay! Sino naman ito? 
Magaling! Anong uri ng diskriminasyon
  ang pinagdaanan ni Pacquiao bago marating ang kanyang tinatamasa ngayon? 
Tama! May iba pa ba kayong alam na
  halimbawa na tumutukoy sa diskriminasyon sa edukasyon?  
Mahusay! Sino naman ito? 
Tama! Sa inyong palagay, anong uri ng
  diskriminasyon ang kinaharap ni Steph Curry bago niya maabot ang tagumpay
  ngayon? 
Mahusay! Maaari pa ba kayong magbigay
  ng ibang halimbawa ng diskriminasyon sa relihiyon o kultura? 
Magaling! Ito namang susunod. 
Magaling! Maaari nyo bang sabihin kung
  ano ang diskriminasyong kinaharap niya bago sya naging host at bigtime
  personality ngayon? 
Tama! Magbigay nga kayo ng halimbawa o
  sitwasyon na kakikitaan ng diskriminasyon sa trabaho o hanapbuhay. 
Tama! At para sa ating huling larawan… 
Magaling! Anong diskriminasyon naman
  ang kanyang pinagdaanan bago nya naabot ang kanyang kinalalagyan? 
Sa tingin ninyo, bakit maaaring maging
  dahilan ng diskriminasyon ang kasarian ng isang tao? 
Mahusay! Ano ang nais kong iparating
  sa inyo nang ipakita ko ang mga larawan ng mga personalidad na iyon? 
Tama! 
Matapos nating makilala ang ilan sa
  mga personalidad na naging matagumpay sa ibat-ibang larangan, magkakaroon
  tayo ng isang gawain kung saan aalamin natin kung ano ba ang mga kakayahan o
  mga gawaing angkop at kayang gawin ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBT.
  Para sa gawaing ito, gagamit kayo ng meta cards na ididikit sa modelong
  mapipili. Isusulat lamang ng mga miyembro ng bawat pangkat ang mga trabaho at
  gawaing sa tingin nila ay angkop sa napili o naitalaga. 
Unang
  Pangkat- Babae 
Ikalawang
  Pangkat- Lalaki 
Ikatlong
  Pangkat- LGBT 
Ipaikot na pabilog ang inyong mga
  upuan bawat grupo. Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto upang gawin ang
  ating activity. May tanong pa ba? 
Handa na ba kayo sa gawain? 
Kung gayon, maari na kayong magsimula. 
(Matapos ang limang minuto) 
Okay, ayusin nang muli ang mga upuan
  at ipaskil na ang inyong mga gawa sa pisara. 
(Susuriin ng klase ang bawat gawa at
  paghahambingin ang tatlong modelo. Inaasahang masagot at maipaliwanag ang
  walong mga katanungan upang mas maging kapaki-pakinabang ang gawain.) 
1.
  Anu-ano ang trabahong inilagay ng bawat pangkat sa kasariang itinalaga sa
  kanila? Ipaliwanag. 
2.
  Naging madali ba sa grupo ang gawain? Ipaliwanag. 
3. May mga trabaho bang katulad din sa trabahong
  naisulat ng ibang pangkat? Bakit may mga pagkakatulad?  
4. May mga trabaho bang wala sa ibang pangkat?
  Ipaliwanag.  
5. May kilala ka bang babae na matagumpay sa
  larangang itinuturing na para sa lalaki (halimbawa, piloto, engineer,
  boksingero, astronaut)? Ipakilala sila sa klase.  
6. May kilala ka bang lalaki na matagumpay sa
  larangang itinuturing na para sa babae? Ipakilala sila sa klase.  
7. May kilala ka bang miyembro ng LGBT na
  matagumpay sa larangang kanilang napili? Ipakilala sa klase.  
8. Batay sa
  mga naibahagi sa klase, ang kasarian ba ay batayan sa trabahong papasukan?
  Ipaliwanag. 
Maliwanag na
  ba sa inyo ang ating tinalakay ngayong araw?  
Mayroon pa
  ba kayong mga katanungan? 
D.
  Paglalapat 
Upang lagumin ang ating talakayan, may
  katanungan ako para sa inyo: 
“Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari
  mong gawin upang masugpo o maiwasan ang diskriminasyon lalo na sa aspetong
  pangkasarian?” 
Mahusay! Ano pa? 
Tama! Halimbawa, may kamag-aral o
  ka-eskwela na binubully o kinuktya dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan, ano
  ang iyong gagawin bilang isang mabuting mag-aaral? 
Mahusay! Maaari nating magamit ang araling
  ito sa maraming pagkakataon tulad ng iyong ideya. 
E.
  Pagpapahalaga 
Gaano kahalaga ang pag-aaral natin ng
  diskriminasyon? 
Tama! Gaano naman kahalaga ang
  pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan? 
Magaling! Mahalaga bang mawala ang diskriminasyon
  sa kasarian? 
Sa inyong palagay, paano ka makakaiwas
  sa 
ganitong uri ng diskriminasyon? 
Magaling! Ngayon balikan nating muli ang mga larawan na pinag-aralan natin kanina. Gaya nila, paano ka babangon o uunlad sa kabila ng ng mga posibleng diskriminasyon na maranasan mo? 
Mahusay! Natutuwa ako na inyong edad
  ay 
nakapaglalahad kayo ng isang makabuluhang
  mga ideya. 
May tanong pa ba tungkol sa ating
  aralin? 
Magaling! 
 | 
  
Handa
  na ba kayong magdasal mga kamag-aral? 
Handa
  na! 
Sa
  ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo,…..Amen 
Magandang
  araw rin po, Sir Paulo! 
Wala
  po! 
Dahil
  po sa kultura na nakagisnan ng marami sa mga lipunang ito. 
Patriarchal
  society po na kung saan mas dominante at may pagkiling sa mga kalalakihan ang
  lipunan. 
Ito
  po ay nagsilbing pahirap at abuso sa mga kababaihan sa Africa na kung saan
  nilapastangan na ang kanilang pagkababae, wala pang benepisyong medikal na
  natatanggap. 
Hindi
  po. Dahil sa labis na pisikal at emosyonal na kahirapang dinaranas nila gamit
  ang prosesong FGM. 
Natutunan
  ko po na kultura ang may malaking impluwensya kung bakit ganito ang gampanin
  ng bawat kasarian lalo na ang mga kababaihan at LGBT. 
Wala
  na po! 
Handa
  na po! 
(Makikinig
  ang lahat sa awitin at ito ay susuriin) 
Ang
  nais pong iparating ng awitin ay ituloy lamang natin ang ating mga nais
  maging sa ating kasarian lalo’t higit na wala naman tayong tinatapakan o
  sinasaktang mga tao. 
Hindi
  po makatarungan ang kanilang kalagayan ayon sa awitin. Dahil may
  diskriminasyon pong nagaganap.  
Ang
  atin pong paksa ngayong araw ay patungkol sa diskriminasyon. 
Diskriminasyon
  sa kasarian po. 
Ang
  diskriminasyon po ay mababang pagtingin sa isang tao. Ito po ay tumutukoy sa
  mga negatibo at di makatarungang pagturing o pagtrato sa isang tao base sa
  kanyang mga katangian. 
Siya po si Former Vice
  President Jejomar Binay. Ang dating Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. 
Naging biktima po siya ng
  diskriminasyon sa pisikal na kaanyuan. 
Sir halimbawa po ay pambubully
  dahil sa itsura o di kaya’y kulay ng balat ng isang tao. Pwede rin po ang
  pangangatawan ng isang tao. (mataba, payat, maitim etc.) 
Si Manny Pacquiao po! Siya po
  ang tinaguriang Pambansang Kamao at Pound for Pound King. Siya din po ay
  kasalukuyang senador ng ating bansa. Siya po ang isa sa mga tagapagbigay
  karangalan sa Pilipinas. 
Naging biktima po siya ng
  diskriminasyon sa edukasyon na bunga narin po ng kanilang kahirapan bago siya
  sumabak sa larangan ng boxing. 
Halimbawa po sir ang antas ng
  pinag-aralan o di kaya’y kahinaan o kakulangan sa katalinuhan ng isang tao. 
Siya po si Steph Curry, isa po
  siyang sikat na basketball player. 
Siya po ay naging biktima ng
  diskriminasyon sa relihiyon. Ngunit sa kabila ng mapanuring mata ng lipunan
  ay nagawa po niyang mapanindigan ang kanyang paniniwala at nagtagumpay parin
  sa buhay. 
Sir, isa na pong halimbawa
  diyan ang kasalukuyang nangyayari sa Pilipinas na kapag iba ang relihiyon mo
  sa iba o di kaya iba ang nakagisnan mong kultura, nagiging sanhi din po ito
  ng diskriminasyon. Madalas pong patampulan ng pangungutya ang ilan nating mga
  katutubo dahil sa iba ang kanilang kultura kumpara sa nakasanayan natin. 
Siya po si Willie Revillame.
  Isa po siyang sikat na host/artista sa telebisyon. 
Naging biktima din po siya ng
  diskriminasyon sa trabaho. 
Kapag maliit po o hindi
  kalakihan ang sahod madalas po ay nagiging sanhi ng diskriminasyon. 
Siya po si Geraldine Roman!
  Siya po ay ang kauna-unahang transgender na mambabatas sa Pilipinas. Siya po
  ang pangunahing tagapagtaguyod ng Anti-Discrimination Bill sa Kamara. 
Sir, naging biktima po siya ng
  diskriminasyon sa kasarian dahil sa kanyang gender identity. 
Dahil po mayroon pa rin pong
  mga babae, lalaki at miyembro ng LGBT na nasasaktan dulot ng iba’t ibang uri
  ng karahasan, berbal na asunto at iba pa. 
Na hindi po hadlang ang
  kasarian at mga diskriminasyong pinagdaanan upang maging matagumpay sa
  anumang larangan na ating tatahakin. Na kahit makaranas tayo ng
  diskriminasyon ay maaari tayong magtagumpay sa buhay. 
Wala na po! 
Opo! 
(Ipapaskil ng lahat ng pangkat
  ang kanilang gawa) 
(Halimbawa ng mga gawa bawat
  pangkat) 
Unang Pangkat- Babae 
·        
  Paglalaba 
·        
  Pagluluto 
·        
  Volleyball 
·        
  Nurse 
·        
  Pulis 
·        
  Guro 
Ikalawang Pangkat- Lalaki 
·        
  Pagluluto 
·        
  Karpintero 
·        
  Sundalo 
·        
  Guro 
·        
  Basketball 
·        
  Volleyball 
Ikatlong Pangkat- LGBT 
·        
  Pagluluto 
·        
  Gawaing bahay 
·        
  Basketball 
·        
  Volleyball 
·        
  Nurse 
·        
  Doktor 
Opo! 
Wala
  na po! 
Bilang isang mag-aaral,
  magagawa ko po itong masugpo at maiwasan sa pamamagitan ng paghahayag ng mga
  adbokasiya “halimbawa, maaari kong gamitin ang social media at ang
  impluwensya ko bilang tao. 
Bilang isang mag-aaral, maaari
  akong makatulong sa mga simpleng bagay tulad ng hindi pangungutya at
  pambubully. Kailangan pong simulan sa ating sarili ang pagbabago. 
Sir, bilang isang mag-aaral,
  ipagtatanggol ko po ang kamag-aral kong iyon at sasabihin sa mga
  nangungutyang mali ang kanilang ginagawa. Sa ganoong paraan po ay magagamit
  ko ang ating tinalakay ngayong araw. 
Mahalaga pong pag-aralan ang
  diskriminasyon upang mas maging maalam po tayo bilang indibidwal sa mga
  maaari nitong maidulot sa ating lipunan. 
Opo. Dahil ito po ay maaring
  maging tulay o daan sa 
pagkakaisa ng lipunan. 
Sa akin pong palagay, ang
  kailangan ko lamang gawin ay ang mag-aral ng mabuti at makahanap ng trabaho
  nang sa gayon po ay mapaunlad ko ang aking sarili at sa ganitong paraan ay
  makakaiwas tayo sa diskriminasyon. 
Magpagtatagumpayan ko po ito sa
  pamamagitan ng determinasyon, tiwala sa sarili at pagpapatuloy sa aking
  landas sa kabila ng mga nakaambang na pangungutya at pagmamaliit sakin. 
Wala na po! 
 | 
 
IV. Pagtataya
Panuto:
Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
____1.
Ito ay tumutukoy sa negatibong pagturing sa isang tao base sa kanyang
katangian.
            A. Diskriminasyon                              C. Identity Crisis
B.
Kalupitan                                        D.
Human Harassment
____2.
Si Andy ay madalas makutya ng kanyang mga kamag-aral dahil sa kanyang kulay at
itsura. Anong salik ng diskriminasyon ang mababanaag sa sitwasyon ni Andy?
            A. Edukasyon                                     C. Pisikal na kaanyuan
            B. Trabaho                                          D. Relihiyon at kultura
____3.
Si Emy ay isang magaling na manggagawa ngunit ayaw siyang tanggapin sa kanyang
pinapasukan dahil sa hindi siya nakapagtapos ng high school. Anong salik ng
diskriminasyon ang mababanaag sa sitwasyon ni Emy?
            A. Edukasyon                                     C. Pisikal na kaanyuan
            B. Trabaho                                          D. Relihiyon at kultura
____4.
Siya ang kauna-unahang transgender law maker sa Pilipinas at pangunahing
tagapagtaguyod ng Anti-Discrimination Bill sa kamara.
            A. Geraldyn Roman                            C. Geraldine Roman
            B. Geraldine Moran                            D. Geraldyn Moran
____5.
Paano natin maiiwasan at masusugpo ang diskriminasyon bilang isang mag-aaral sa
kabila ng patuloy na paglaganap nito sa lipunan?
            A. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng
mabuti at pagpapaunlad n gating mga sarili
            B. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
respeto sa isat-isa
            C. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa
bawat isa sa kabila ng mga kahinaan at kalakasan bilang isang tao
            D. Lahat ng nabanggit
V. Takdang
Aralin
Gawain
15: Opinyon at Saloobin, Galangin! 
Kayo
ay bibigyan ng pagkakataong makipanayam sa ilang tao upang alamin ang kanilang
opinyon at saloobin sa mga karapatan ng mga LGBT. Matapos ang panayam, ibahagi
ang resulta sa inyong pangkat. Ang mga ito ay binubuo ng mga babae, lalaki,
LGBT, lider ng relihiyon, negosyante, at opisyal ng barangay.
   Inihanda ni:
                                           Paulo
Angeles Yu
                                          Gurong
Nagsasanay
  Binigyang pansin nina:
                                  G. Lawrence A. de la Cruz
                                             Gurong Kaagapay
                                      Bb.
Josielyn B. Villaruz
                                                Dalub-Guro I
                                   Gng. Herminia
H. Santiago
                              Ulong-Guro VI,
Araling Panlipunan

Salamat po sir, malaking tulong po ang iyong ginawang lesson plan para mas mapaganda pa lalo ang aking pagtuturo. kudos to you sir!
TumugonBurahin