Linggo, Disyembre 31, 2017

BEST LESSON PLAN WITH CREATIVE STRATEGY AND COMPLETE SET OF MATERIALS

MASUSING BANGHAY ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN 10
Mga Kontemporaryong Isyu


I.                   Layunin
Sa pagtatapos ng 60-minutong aralin nang may 80% katumpakan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.       Natutukoy kung ano ang mga diskriminasyong kinakaharap ng mga lalaki, babae at LGBT sa kasalukuyan.
b.      Nakikilahok sa mga pangkatang gawaing may kinalaman sa mga kakayahan at gawaing para sa lalaki, babae at LGBT.
c.       Nakapagbibigay ng mga ideya at pamamaraan upang masugpo at maiwasan ang diskriminasyon sa kasarian.
d.      Napahahalagahan at nauunawaan ang pagkakapantay-pantay sa karapatan at kasarian tungo sa pagkakaisa.

II.                Paksang Aralin/Gawain sa Pagkatuto

a.       Pangkalahatang Paksa: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Ispesipikong Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT
b.      Sanggunian:    1. Araling Panlipunan 10 Learning Material p. 284-293
2. Mga Kontemporaryong Isyu ni Jens Micah de Guzman
    388 McArthur Highway, Dalandanan, Valenzuela City
    JO-ES Publishing House Inc., 2017 (p. 191-192)
    https://en.wikipedia.org/wiki/Taliban
4. https://www.slideshare.net/diskriminasyon
                       
Mga Kagamitan: kagamitang biswal, laptop, projector, speakers, yeso.

III.             Pamamaraan

Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
A. Pang-araw-araw na Gawain
a. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin.
(Tatawag ng mag-aaral upang pangunahan ang pagdarasal)






b. Pagbati

Maraming Salamat! Magandang araw sa inyong lahat!

c. Pagtatala ng Liban

Mayroon bang liban sa ating klase?

Magaling kung gayon!

d. Pagbabalik-Aral

Bago natin simulan ang ating aralin ngayong araw, atin munang babalikan ang ating katatapos na aralin tungkol sa gender roles sa ibat-ibang panig ng mundo.

Alin sa tingin ninyo ang dahilan kung bakit mahigpit para sa mga kababaihan at LGBT ang lipunan sa maraming lugar sa daigdig?


Magaling! Anong katangian ng isang lipunan ang karaniwang nagdudulot ng ganitong kalagayan ng mga kababaihan at LGBT?


Mahusay! Ano naman ang naging implikasyon ng FGM o Female Genital Mutilation sa mga kababaihan sa Africa?




Tama! Sa tingin nyo ba, naging madali para sa kanila ang ganitong sitwasyon?


Tama! Ano ang take home o natutunan mong aral mula sa nakaraang paksa?



Magaling! Mukhang marami na kayong natutunan mula sa nakalipas na aralin. Mayroon pa ba kayong katanungan?

Kung wala na ay sisimulan na natin ang ating bagong aralin.

B. Pagganyak

May ipaparinig akong awitin sa inyo na pinamagatang “Ituloy Mo Lang” ng Siakol. Inaasahang masasagot ninyo sa pagtatapos ng awitin ang katanungang:

1. Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin?
2. Paano inilalarawan ang kalagayan ng LGBT sa napakinggang awitin?

Handa na?

Noong bata ka pa si Darna ang ginagaya
Minsan nama’y nagbi-bistida
Maging sa laruan, manika ang napag-tripan
Ayaw mo ng baril-barilan
‘Di ka nila sinasali
Hindi ka raw tunay na lalaki
Gusto ng tatay mo na ika’y mag-sundalo
Pero babae ang puso mo
Kahit lunurin ka, wala ring napala sila
Nung sabi mong ika’y sirena
‘Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila

[Chorus:]
At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka bang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema

Walang pumapansin sa natatangi mong galing
Mas madalas ka pang laitin
Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
Ngunit walang rumirespeto
Lagi na lang iisipin
Sila na lang ang unawain
[Chorus:]


(Matapos mapakinggan ang awitin, tatawag ng mga mag-aaral upang magbigay ng kani-kanilang mga ideya)
Ngayong napakinggan ninyo ang awitin, ano sa tingin ninyo ang mensaheng nais iparating ng awitin?





Tama! Paano naman inilalarawan ang kalagayan ng LGBT sa awitin?



Mahusay! Mula sa inyong napakinggan, may ideya naba kayo kung ano ang paksa ng ating aralin ngayong araw?


Tama! Partikular na anong uri ng diskriminasyon?

Magaling! Ang tatalakayin natin ngayong araw ay diskriminasyon sa mga hindi lamang sa LGBT, maging sa mga kababaihan at kalalakihan.

C. Mga Gawain

Para sa inyo ba, ano ang diskriminasyon?




Tama! Nabanggit ng inyong mga kamag-aral na binabase sa katangian ng isang tao kung kaya’t nagkakaroon ng diskriminasyon. Diyan papasok ang mga salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon.


Ngayon, upang matalakay natin ang mga salik ng diskriminasyon, may ipapakita akong mga larawan sa inyo. Sila ang personalidad na naging matagumpay sa kani-kanilang mga napiling larangan sa kabila ng mga diskriminasyon sa kanilang kinaharap.


Sino ang taong nakikita nyo at ano ang alam nyo tungkol sa kanya?

Tama! Sa tingin ninyo, anong diskriminasyon ang kinaharap ni VP Jejomar Binay bago nya narating ang tagumpay?


Magaling! Maari ba kayong magbigay ng iba pang halimbawa ng diskriminasyon sa pisikal na kaanyuan?





Mahusay! Sino naman ito?

Magaling! Anong uri ng diskriminasyon ang pinagdaanan ni Pacquiao bago marating ang kanyang tinatamasa ngayon?




Tama! May iba pa ba kayong alam na halimbawa na tumutukoy sa diskriminasyon sa edukasyon?



Mahusay! Sino naman ito?
Tama! Sa inyong palagay, anong uri ng diskriminasyon ang kinaharap ni Steph Curry bago niya maabot ang tagumpay ngayon?




Mahusay! Maaari pa ba kayong magbigay ng ibang halimbawa ng diskriminasyon sa relihiyon o kultura?








Magaling! Ito namang susunod.

Magaling! Maaari nyo bang sabihin kung ano ang diskriminasyong kinaharap niya bago sya naging host at bigtime personality ngayon?



Tama! Magbigay nga kayo ng halimbawa o sitwasyon na kakikitaan ng diskriminasyon sa trabaho o hanapbuhay.



Tama! At para sa ating huling larawan…

Magaling! Anong diskriminasyon naman ang kanyang pinagdaanan bago nya naabot ang kanyang kinalalagyan?


Sa tingin ninyo, bakit maaaring maging dahilan ng diskriminasyon ang kasarian ng isang tao?



Mahusay! Ano ang nais kong iparating sa inyo nang ipakita ko ang mga larawan ng mga personalidad na iyon?




Tama!

Matapos nating makilala ang ilan sa mga personalidad na naging matagumpay sa ibat-ibang larangan, magkakaroon tayo ng isang gawain kung saan aalamin natin kung ano ba ang mga kakayahan o mga gawaing angkop at kayang gawin ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBT. Para sa gawaing ito, gagamit kayo ng meta cards na ididikit sa modelong mapipili. Isusulat lamang ng mga miyembro ng bawat pangkat ang mga trabaho at gawaing sa tingin nila ay angkop sa napili o naitalaga.

Unang Pangkat- Babae
Ikalawang Pangkat- Lalaki
Ikatlong Pangkat- LGBT

Ipaikot na pabilog ang inyong mga upuan bawat grupo. Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto upang gawin ang ating activity. May tanong pa ba?

Handa na ba kayo sa gawain?

Kung gayon, maari na kayong magsimula.

(Matapos ang limang minuto)

Okay, ayusin nang muli ang mga upuan at ipaskil na ang inyong mga gawa sa pisara.


(Susuriin ng klase ang bawat gawa at paghahambingin ang tatlong modelo. Inaasahang masagot at maipaliwanag ang walong mga katanungan upang mas maging kapaki-pakinabang ang gawain.)

1. Anu-ano ang trabahong inilagay ng bawat pangkat sa kasariang itinalaga sa kanila? Ipaliwanag.

2. Naging madali ba sa grupo ang gawain? Ipaliwanag.

3. May mga trabaho bang katulad din sa trabahong naisulat ng ibang pangkat? Bakit may mga pagkakatulad?

4. May mga trabaho bang wala sa ibang pangkat? Ipaliwanag.

5. May kilala ka bang babae na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa lalaki (halimbawa, piloto, engineer, boksingero, astronaut)? Ipakilala sila sa klase.

6. May kilala ka bang lalaki na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa babae? Ipakilala sila sa klase.

7. May kilala ka bang miyembro ng LGBT na matagumpay sa larangang kanilang napili? Ipakilala sa klase.

8. Batay sa mga naibahagi sa klase, ang kasarian ba ay batayan sa trabahong papasukan? Ipaliwanag.

Maliwanag na ba sa inyo ang ating tinalakay ngayong araw?

Mayroon pa ba kayong mga katanungan?


D. Paglalapat
Upang lagumin ang ating talakayan, may katanungan ako para sa inyo:

“Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang masugpo o maiwasan ang diskriminasyon lalo na sa aspetong pangkasarian?”





Mahusay! Ano pa?




Tama! Halimbawa, may kamag-aral o ka-eskwela na binubully o kinuktya dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan, ano ang iyong gagawin bilang isang mabuting mag-aaral?





Mahusay! Maaari nating magamit ang araling ito sa maraming pagkakataon tulad ng iyong ideya.

E. Pagpapahalaga

Gaano kahalaga ang pag-aaral natin ng diskriminasyon?



Tama! Gaano naman kahalaga ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan?


Magaling! Mahalaga bang mawala ang diskriminasyon sa kasarian?


Sa inyong palagay, paano ka makakaiwas sa
ganitong uri ng diskriminasyon?





Magaling! Ngayon balikan nating muli ang mga larawan na pinag-aralan natin kanina.

Gaya nila, paano ka babangon o uunlad sa kabila ng ng mga posibleng diskriminasyon na maranasan mo?



Mahusay! Natutuwa ako na inyong edad ay
nakapaglalahad kayo ng isang makabuluhang mga ideya.

May tanong pa ba tungkol sa ating aralin?

Magaling!





Handa na ba kayong magdasal mga kamag-aral?

Handa na!

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo,…..Amen




Magandang araw rin po, Sir Paulo!



Wala po!













Dahil po sa kultura na nakagisnan ng marami sa mga lipunang ito.



Patriarchal society po na kung saan mas dominante at may pagkiling sa mga kalalakihan ang lipunan.



Ito po ay nagsilbing pahirap at abuso sa mga kababaihan sa Africa na kung saan nilapastangan na ang kanilang pagkababae, wala pang benepisyong medikal na natatanggap.


Hindi po. Dahil sa labis na pisikal at emosyonal na kahirapang dinaranas nila gamit ang prosesong FGM.


Natutunan ko po na kultura ang may malaking impluwensya kung bakit ganito ang gampanin ng bawat kasarian lalo na ang mga kababaihan at LGBT.



Wala na po!















Handa na po!
(Makikinig ang lahat sa awitin at ito ay susuriin)


































Ang nais pong iparating ng awitin ay ituloy lamang natin ang ating mga nais maging sa ating kasarian lalo’t higit na wala naman tayong tinatapakan o sinasaktang mga tao.



Hindi po makatarungan ang kanilang kalagayan ayon sa awitin. Dahil may diskriminasyon pong nagaganap.



Ang atin pong paksa ngayong araw ay patungkol sa diskriminasyon.

Diskriminasyon sa kasarian po.







Ang diskriminasyon po ay mababang pagtingin sa isang tao. Ito po ay tumutukoy sa mga negatibo at di makatarungang pagturing o pagtrato sa isang tao base sa kanyang mga katangian.















Siya po si Former Vice President Jejomar Binay. Ang dating Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.










Naging biktima po siya ng diskriminasyon sa pisikal na kaanyuan.


Sir halimbawa po ay pambubully dahil sa itsura o di kaya’y kulay ng balat ng isang tao. Pwede rin po ang pangangatawan ng isang tao. (mataba, payat, maitim etc.)



Si Manny Pacquiao po! Siya po ang tinaguriang Pambansang Kamao at Pound for Pound King. Siya din po ay kasalukuyang senador ng ating bansa. Siya po ang isa sa mga tagapagbigay karangalan sa Pilipinas.




Naging biktima po siya ng diskriminasyon sa edukasyon na bunga narin po ng kanilang kahirapan bago siya sumabak sa larangan ng boxing.


Halimbawa po sir ang antas ng pinag-aralan o di kaya’y kahinaan o kakulangan sa katalinuhan ng isang tao.

Siya po si Steph Curry, isa po siyang sikat na basketball player.







Siya po ay naging biktima ng diskriminasyon sa relihiyon. Ngunit sa kabila ng mapanuring mata ng lipunan ay nagawa po niyang mapanindigan ang kanyang paniniwala at nagtagumpay parin sa buhay.





Sir, isa na pong halimbawa diyan ang kasalukuyang nangyayari sa Pilipinas na kapag iba ang relihiyon mo sa iba o di kaya iba ang nakagisnan mong kultura, nagiging sanhi din po ito ng diskriminasyon. Madalas pong patampulan ng pangungutya ang ilan nating mga katutubo dahil sa iba ang kanilang kultura kumpara sa nakasanayan natin.


Siya po si Willie Revillame. Isa po siyang sikat na host/artista sa telebisyon.









Naging biktima din po siya ng diskriminasyon sa trabaho.




Kapag maliit po o hindi kalakihan ang sahod madalas po ay nagiging sanhi ng diskriminasyon.

Siya po si Geraldine Roman! Siya po ay ang kauna-unahang transgender na mambabatas sa Pilipinas. Siya po ang pangunahing tagapagtaguyod ng Anti-Discrimination Bill sa Kamara.






Sir, naging biktima po siya ng diskriminasyon sa kasarian dahil sa kanyang gender identity.


Dahil po mayroon pa rin pong mga babae, lalaki at miyembro ng LGBT na nasasaktan dulot ng iba’t ibang uri ng karahasan, berbal na asunto at iba pa.



Na hindi po hadlang ang kasarian at mga diskriminasyong pinagdaanan upang maging matagumpay sa anumang larangan na ating tatahakin. Na kahit makaranas tayo ng diskriminasyon ay maaari tayong magtagumpay sa buhay.




















Wala na po!

Opo!






(Ipapaskil ng lahat ng pangkat ang kanilang gawa)

(Halimbawa ng mga gawa bawat pangkat)

Unang Pangkat- Babae
·         Paglalaba
·         Pagluluto
·         Volleyball
·         Nurse
·         Pulis
·         Guro

Ikalawang Pangkat- Lalaki
·         Pagluluto
·         Karpintero
·         Sundalo
·         Guro
·         Basketball
·         Volleyball

Ikatlong Pangkat- LGBT
·         Pagluluto
·         Gawaing bahay
·         Basketball
·         Volleyball
·         Nurse
·         Doktor













Opo!

Wala na po!








Bilang isang mag-aaral, magagawa ko po itong masugpo at maiwasan sa pamamagitan ng paghahayag ng mga adbokasiya “halimbawa, maaari kong gamitin ang social media at ang impluwensya ko bilang tao.

Bilang isang mag-aaral, maaari akong makatulong sa mga simpleng bagay tulad ng hindi pangungutya at pambubully. Kailangan pong simulan sa ating sarili ang pagbabago.




Sir, bilang isang mag-aaral, ipagtatanggol ko po ang kamag-aral kong iyon at sasabihin sa mga nangungutyang mali ang kanilang ginagawa. Sa ganoong paraan po ay magagamit ko ang ating tinalakay ngayong araw.







Mahalaga pong pag-aralan ang diskriminasyon upang mas maging maalam po tayo bilang indibidwal sa mga maaari nitong maidulot sa ating lipunan.






Opo. Dahil ito po ay maaring maging tulay o daan sa
pagkakaisa ng lipunan.


Sa akin pong palagay, ang kailangan ko lamang gawin ay ang mag-aral ng mabuti at makahanap ng trabaho nang sa gayon po ay mapaunlad ko ang aking sarili at sa ganitong paraan ay makakaiwas tayo sa diskriminasyon.




















Magpagtatagumpayan ko po ito sa pamamagitan ng determinasyon, tiwala sa sarili at pagpapatuloy sa aking landas sa kabila ng mga nakaambang na pangungutya at pagmamaliit sakin.





Wala na po!



IV. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
____1. Ito ay tumutukoy sa negatibong pagturing sa isang tao base sa kanyang katangian.
            A. Diskriminasyon                              C. Identity Crisis
B. Kalupitan                                        D. Human Harassment

____2. Si Andy ay madalas makutya ng kanyang mga kamag-aral dahil sa kanyang kulay at itsura. Anong salik ng diskriminasyon ang mababanaag sa sitwasyon ni Andy?
            A. Edukasyon                                     C. Pisikal na kaanyuan
            B. Trabaho                                          D. Relihiyon at kultura

____3. Si Emy ay isang magaling na manggagawa ngunit ayaw siyang tanggapin sa kanyang pinapasukan dahil sa hindi siya nakapagtapos ng high school. Anong salik ng diskriminasyon ang mababanaag sa sitwasyon ni Emy?
            A. Edukasyon                                     C. Pisikal na kaanyuan
            B. Trabaho                                          D. Relihiyon at kultura

____4. Siya ang kauna-unahang transgender law maker sa Pilipinas at pangunahing tagapagtaguyod ng Anti-Discrimination Bill sa kamara.
            A. Geraldyn Roman                            C. Geraldine Roman
            B. Geraldine Moran                            D. Geraldyn Moran

____5. Paano natin maiiwasan at masusugpo ang diskriminasyon bilang isang mag-aaral sa kabila ng patuloy na paglaganap nito sa lipunan?
            A. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at pagpapaunlad n gating mga sarili
            B. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng respeto sa isat-isa
            C. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa bawat isa sa kabila ng mga kahinaan at kalakasan bilang isang tao
            D. Lahat ng nabanggit


V. Takdang Aralin

Gawain 15: Opinyon at Saloobin, Galangin!
Kayo ay bibigyan ng pagkakataong makipanayam sa ilang tao upang alamin ang kanilang opinyon at saloobin sa mga karapatan ng mga LGBT. Matapos ang panayam, ibahagi ang resulta sa inyong pangkat. Ang mga ito ay binubuo ng mga babae, lalaki, LGBT, lider ng relihiyon, negosyante, at opisyal ng barangay.




   Inihanda ni:

                                           Paulo Angeles Yu
                                          Gurong Nagsasanay

  Binigyang pansin nina:


                                  G. Lawrence A. de la Cruz
                                             Gurong Kaagapay


                                      Bb. Josielyn B. Villaruz
                                                Dalub-Guro I


                                   Gng. Herminia H. Santiago
                              Ulong-Guro VI, Araling Panlipunan




TABLE OF CONTENTS

I. TITLE PAGE- http://yupaulo.blogspot.com/2017/12/title-page_29.html II. PRELIMINARIES- http://yupaulo.blogspot.com/2018/01/iii-pr...